Huwebes, Marso 30, 2017

Anthony Elfa: Serye ng Buhay n'ya

2017
Si Anthony Elfa bilang isang kaklase ay mabait, masipag at matalino. Lagi n'yang sinasabi na cute s'ya. Inaamin naman n'ya sa sarili n'ya na mapride s'ya, at likas na daw iyon sa kanya. Isa din s'yang maalalahaning  at mapagbigay na kaibigan. Mahilig s'yang magbiro pero ang pagbibirong n'yang iyon ay hindi nagdudulot ng inis kundi tuwa. Isang lalaking palakaibigan at maasahan. 
2016
Profile Pictures
2015
Shared Photos
2014
Tagged Photos
Picture in Event(Science Camp)
2013
Cover Photos
2012
Status With Comment
Message in wall from his Friends.



















Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,

                           Magandang araw sa ating Pangulong Rodrigo Duterte. Isang napakaswerteng pagkakataon ang makausap ang isang katulad mo. Isang pangulo, pangulong iginagalang, pangulong sinusunod ng iba at higit sa lahat pangulong handang gawin ang lahat para sa kanyang nasasakupan. Bilang isang pangulo alam namin na napakabigat itong responsibilidad. Marami kang dapat gawin o maisakatuparan para sa iyong minamahal na bayan. Marami kang alituntunin na dapat isagawa para mapabuti ang iyong nasasakupan.

                          Sa mahigit na pitong buwan mong panunungkulan  dito sa ating bansa ay pinatunayan mo nga ang iyong sinabi sa iyong SONA noong bagong bupo ka pa lamang bilang isang pangulo " Change is Coming". Nagsimula na nga ang pagbabago sa ating bansa, pero maganda ba ang pagbabagong ito o lalong nakasama sa aming iyong nasasakupan? Marahil may maganda at masamang dulot ito sa amin.

                          Sa mga itinalaga mong alituntunin sa bansa, nakatulong ba ito sa amin? Marhil oo, at marahil din na hindi. Kaugnay na nga nito ang pagsasakatuparan mo EJK (Extra Judicial Killing), dahil sa matinding usapan sa "War on Drugs". Gabi-gabing tuwing ako'y nanunuod ng balita ay hindi mawawala ang usaping patungkol sa drugs. Madaming namamatay at nawawalan ng buhay dahil sa pagpatay sa mga umano'y kasangkot sa paggamit ng droga. Marami ang gumagamit ng droga at ito na nga ang nagiging dahilan ng pagkaadik ng ilan; ang ilan naman ay tumigil na sa paggamit dahil nga sa isinakatuparan mong EJK sa ating bansa. Pero kahit na nagsakatuparan ka na ng alituntuning ito, marami parin ang lulong masamang droga. Marahil, may dahilan ito kaya sila ay napasok dito.

                            Madami na ngang namatay nang dahil dito, pero bakit ganoon? Kahit inosenteng tao ay nadadamay sa patayan na ito. Marami na rin ang nagtatago, nawawala, at nawawalan din ng mahal sa buhay. Marami ang naghahanap ng hustisya dahil sa mga namatay nilang kamag-anak na inosente.

                            Ang pagsasakatuparan ng EJK ay marahil maganda na ang dulot, dahil nababawasan umano ang mga gumagamit ng droga, pero huwag naman sana nating hayaan na masangkot at mapadamay ang mga inosenteng tao.

                           Ang ilan sa mga namamatay na umano'y kasangkot sa talamak na droga ay gusto ng magbago, pero hindi na sila nabigyan ng pagkakataon na gawin ito dahil nga pinatay na sila ng walang kamuwang-muwang. Natatakot ako baka kasi dumating din ang araw na pati pamilya ko ay madamay sa patayang nagaganap. Huwag naman sanang humantong ito sa pagpatay ng maraming inosenteng tao.

                        Ako ay isang mamayan na nakatira sa bayan ng Lucena at ayon sa aking mga nasasagap na balita ay talamak din dito ang paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga. Pero, wala pa naman akong nababalitaan na namatay dito dahil sa EJK.

                        Sana bigyan n'yo po ng pagkakataon ang ilang mga mamamayan natin na magbago. Huwag natin po sanang agarang patayin ang mga taong walang kamuwang-muwang, marami pa rin ang gustong magbago. Itong EJK ay sana maganda ang maidulot at hindi takot ang mamayani sa aming mga damdamin, dahil sa mga inosenteng tao. Nawa ay maunawaan n'yo ang aming simpatya.

Lubos na gumagalang,
Mae Aira M. Umali   

Choose Right! Choose HUMSS!

Ang HUMSS o Humanities and Social Sciences ay isa sa strand na nakapaloob sa ipinatupad ni dating Pangulong Benigno S. Aquino na K-12 program. Isa sa pinakamagandang strand ang HUMSS. Maraming nakapaloob dito na courses na pwedeng pagpilian.
Ang mga courses dito ay talagang makakatulong sa atin upang tayo ay maging maayos ang buhay. Sa katulad kong Humanities and Social Sciences ang pinili, napadali nito ang buhay ko. Kumpara sa ibang strand na may mahihirap na asignatura.
Katulad sa STEM ba talagang napakahirap ng mga subject, CALCULUS na major nila ay talagang luluha ka sa hirap. Sa ABM naman na Accounting ang major ay isa din sa napakahirap na subject. At sa iba pang mga track na may mga subject na hindi abot ng aling kaisipan.
Dito sa HUMSS, madami ka talagang courses na mapamimilian katulad ng Education, Police, Pscychology, News Reporting at iba pa. Maaaring makatulong ito upang lalo pang madagdagan ang ating mga kaalaman.
Ang mga courses dito ay mga 4 years courses, ibig sabihin maaari pang madagdagan ang ating mga kaalaman kapag ito ang pinili nating strand.
Karamihan sa mga estudyante dito sa Calayan ay pinili ang strand na ito. Maging sa ibang panig ng Pilipinas ay madami ang pumli ng strand na ito.
Mataas ang rate ng bilang ng estudyante ang pumili ng strand na ito. Dito kasi nakapaloob ang mga courses na may matataas na demand.
Bilang isang Humanities student, pinili ko ito dahil nandito ang gusto kong course. Simula bata pa lamang ay gusto ko ng maging isang guro. Marahil dahil sa mga kamag-anak io ay karamihan ay mga guro.
Sa HUMSS malaki ang tulong ng mga subject upang lubos kong malaman ang nais ko talagang tahaking landas. Minsan nga napagtanto ko, gusto ko ba talagang maging guro?
Hindi masali ang pumili ng courses na iyong gustong tahakin. Bawat course ay may nararapat na gawi at kung anong gawi mo doon ka nababagay. Pero darating din ang araw na mapagtatanto natin kung ano ba talagang course ang bagay sa atin.
Sa HUMSS ang major subject ay Personal Development at DISS o Disciplines and Ideas in the Social Sciences. Dito nakapaloob ang gawi, at lubos na makatutulong sa ating pagdedesisyon sa pagpili ng course na babagay sa iyo. Dito sa HUMSS mas mapapadali ang pagdedesisyon natin dahil sa mga subjects na nagpapaliwanag ng mga iba't-ibang courses.

Ako, ako at ako: Simpleng pamumuhay

LIFE WITH OTHERS

Simula bata pa lamabg ako ay nakatira na kami sa Mayao Castillo Lucena City. Doon ipinanganak ang nanay at tatay ko. Nakatira kami sa isang maliit pero malinis na bahay.
Sa bahay pagkagising ko utos agad ni mama ang bumubungad, kaya siguro ganoon nalang kalinis ito. Pagkatapos maglinis ay madalas ay umaalis agad sa bahay upang pumunta sa bahay ng ate ko(asawa ng kapatid kong panganay) doon kasi madalas madaming tao. Nakikipagkwentuhan ako sa kanila at nakikipagtawanan.
Madalas kaming nagkwekwentuhang pamilya kapag kami ay sama-sama. Madalas naman ay ang kausap ko ay aking mama, siya kasi ang napagsasabihan ko ng kung ano mang kalokohan sa buhay ko.
Bukod kasi sa bestfriend ko na si Trisha Mae Dialola na napagsasabihan ko ng problema , si mama din ay kadalasan kong nakakausap patungkol doon. Sa ano mang bagay na aking iniisip ay madalas kong ipinapaalam sa kanya.
Mahilig din akong manuod ng mga movies kasama sila. Habang nanunuod ay naglilinia na din ng bahay, ayaw kasi talaga ng aking mama ng maduming bahay. Kahit na hindi lamang kami ang nanunuod at kasama namin ang aming kapitbahay, nakikipanuod kasi sila sa amin.
Pagdating naman sa iskul ay maaga akong pumapasok palagi. Kadalasan ay kasabay ko ang mga pinsan o kaibigan kapag papasok. Hindi sa amin maiiwasan ang magkwentuhan ng kung ano-ano.
Kami ng dalawa kong pinsan ay paregong nag-aaral sa Calayan Educational Foundation Inc. Nagulat din kami noong una naming nalaman na magkaklase pala kami. Kaya noong una at hanggang ngayon ay magkakasabay parin kami.
Pero pagdating sa mga bagay na mga gusto at ayaw nakin ay tila wala kaming paki sa isa't-isa. Madalas kaming nagkakasundo sa mga kalokohan, minsan sa pag-aaral at lalong lalo na sa pagkain. Pero kahit kami ay nagkakalokohan ay hindi kami nagkakapikunan, sanay na kasi.
Sa iskul ang paborito kong subject ay Science bukod kasi sa mabilis kong maintindihan ang mga aralin madalas ay yun lagi ang may pinakamataas na grado ko sa card simula pa lamang elementary. Pagdating naman sa ayaw na subject ay AP(Araling Panlipunan). Pinakaayaw ko talaga ito dahil bukod sa hindi ko maintindihan gaano, ay dito kadalasan ang may mababa kong grado. Kahit ano mang subject ay nag-iintindi naman ako, lalo na kung sinisipag ako.
Mahilig akong sumama sa barkada namin pero hindi ako mahilig sumali sa mga club sa mga iskul. Sa lahat ng iskul na pinasukan isa pa lang ata na ang napasukan ko club at iyon ang Arts Club. Minsan kasi ay may hilig ako sa pagdodrawing at gusto ko pang gumaling sa pagdodrawing at matuto pagdating sa arts.


INNER LIFE

Simula bata pa lamang ako ninanais ko ng maging isang guro at bilang isang guro dapat maging modelo ako sa mga tao para ako'y kanilang tularan hindi bikang masama kundi bilang mabuti. Dapat hindi tayo magpahita ng kapwa tao natin, ganun din ang magnakaw at lalong higit sa lahat ang pumatay, lahat kasi ng yan ay salungat ng mabuti at tama. Marami akong bagay na naiisip na maaaring makatulong saakin.
Ako kasi yung taong mahilig mag-imahinasyon, siguro mana-mana lang. Masyadong malawak angimahinasyon kaya kung saan-saan na nakakarating. Pati mga bagay na aking nakikita ay nai-imagine ko na lamang ng biglaan ng kung ano-ano.
Naniniwala kasi ako sa kasabihang "Nothing is imposible inside your imagination". Kaya kung ano-ano nalang talaga ang pumapasok sa utak ko. Kaya nga minsan ay tulaka ako at parang nakahithit ng kung ano.
Minsan man ako'y may pagkaslow at loading ang utak meron parin naman akong commonsense sa bagay-bagay. Hindi din ako yung taong mapanlait sa iba. Yung tipong nakakasakit kana ng damdamin ng iba.
Naiisip ko kasi yung kasabihang aking nabasa "Punasan mo muna ang iyong sariling uling bago mo pulaan ang uling ng iba". Malalim na salita at may malalim na kahulugan. Lagi ko itong isinasaisip bago ko gawin iyon.
Kung aking isusumatotal ang pagkakaroon ko ng commonsense at sound judgement, 9 out of 10 ang commonsense at 4 out of 10 ang sound judgement. Marami man ajong problema pero hindi ito dahilan para ipasa sa iba at makasakit ng damdamin nila. Think Positive lang kasi lagi ang nasa isip ko.
Pero kung may problema ako dinadaan ko nalang minsan sa pagpepretend pero kadalasan gusto kong mag-isa. Kadalasan ay sa kwarto ako namamalagi at nagmumuni-muni. Iniisip ko ang mga bagay na maaaring makatulong saakin, minsan naman ay kinakausap ko ang aking sarili.
Naalala ko yung dating nagkaroon kami ng tampuhan ng akinh bestfriend, 'yun din ang aking ginawa. Nagkatampuhan kami sa kadahilanang hindi ko sya natulungan at nadamayan noong may problema sya. Noon kasi ay busy ako sa nga bagay na hindi naman gaanong importante, ito 'yung itinuturing kong pinakamalaking pagkakamali ko sa aking buhay. It pa mandin ang aking kinatatakutan, ang mawala sa akin ang taong mahalaga sa akin. Pareho namin gusto ang pagkanta pero ayaw naman sa amin dahil panget ang aming boses. Ito ang ginawa at naisip kong paraan para maging maayos na ang lahat.

Nagkabati naman kami at bumalik sa lahat ang dati. Pero ano nga bang kamalasan ang meron ako, nagkabati nga kami ng bestfriend ko pero nadulas naman ako noong araw na yun sa harapan ng maraming tao. Ito talaga ang pinakanakakahiyang nangyari sa aking buhay.

PHYSICAL ASPECT

Ipinanganak ako noong October 29, 1999 at ipinangalan sa akin ng aking magulang ay Mae Aira. Mae Aira Umali ang buo kong pangalan. Ang Mae Aira ay hindi lamang daw basta ipinangalan sa akin, sabi nila ito daw ay may ibig sabihin at bawat letra ay may pinanggalingan.

Nalaman ko ang bagay na iyon noong 10 taon pa lamang ako, pitong taon ang nakalilipas buhat ngayon( 17 years old at present). Tinanong ko ito sa aking ina noong dati ay nagkaroon kami ng takdang aralin patungkol dito. Ang M daw ay nagmula sa pangalan ng ina ng aking tatay-Marciana, A naman ay mula sa ina ng aking lolo, asawa ng ina ng akingmama-Edis, kaya naman nabuo ang Mae, samantalang ang A naman sa Aira ay nagmula sa pangalan ng aking ikalawang kapatid-Allan, I mula sa pangalan ng aking panganay na kapatid-Ian, at ang R at A naman ay mula sa pangalan ng aking magulang-Rebecca at Arsenio.
Nagulat ako at naisip kong napakalawak naman pala ng inahinasyon ng aking mga magulanh. Nag-iisa akong babaeng anak ng aking magulang,kami ay 5 miyembro sa pamilya.
Mahilig akong kumain ng gulay at maging ang prutas, pero kahit na ganoon ay marami parin saakin ang nagsasabi na payat daw ako at maitim, pero cute naman daw kahit ganoon lalo na daw kapag nakangiti ako, marahil bilang pambawi lang sa akin. Gusto kong isport ay Volleyball pero kapag naiinvolve ako sa pisikal na aktibidad ay ang bilis kong mapagod. Hindi ako mahilig at hindi din ako naiinvolve sa mga pisikal na sktibidad kaya ito siguro ang dahilan sa aking madalinag pagkapagod.
Dahil nga hindi ako masyadong nasali sa mga ganoong bagay wala pa din naman akong nagiging malubhang pinsala sa katawan. Hindi pa ako nagkakaroon ng sugat mula sa mga gawaing pisikal. At talagang iniiwasan ko ang mga bagay na iyon.
Nguit kahit ako ay hind gaanong naiinvolve doon ay may puhunan parin naman ako. Ang aking taas ay 5'3 at ang aking bigat ay 42, tama lang at hindi natatawag na underweight. Marahil ang dahilan ng mga iyon ay ang palagian kong pagkain ng gulay at prutas.
Kung ako'y iyong tititigan ay hindi kaputian pero marami parin ang nagsasabi sa alin na ang ganda daw ng aking mata at kilay. Gayundin madaming nagsasabi sa akin na lagi daw ako nakangiti, mabuti nga daw iyon kasi bukod daw sa bagay sa akin, ay nakakabata pa daw ito. Natataws naman ako sa kanilang sinasabi.
Naalala ko dati noong minsan nagkwentuhan kaming pamilya, nabanggit sa akin ng aking ina na nadala na ako dati sa ospital. Nagulat ako at kaya naman inalam ko kung anong dahilan nito. Nagkaroon daw ako noon ng lagnat na sobrang taas at ilang linggo na ito hindi mawala kaya naman tumirik daw ang aking mata.
Sabi sa akin ng aking tatay nangyari daw ito noong ako'y dalawang taon pa lamang. Sabi nila pinapakain daw nila ako ng saging noong oras na iyun ng biglang tumirik ang aking mata. Dali-dali nila akong dinala sa ospital.

Ngayon aminado na ako na hindi ako mahilig sa saging, hindi ako nakain ng saging na hilaw siguro ay dahil sa takot na magkaroon ulit ako ng sakit. Sa awa ng Diyos hindi na ulit ako nagkaganun. At ngayon ay mas iingatan ko na ang sarili ko.

HOME LIFE
Nakatira ako sa Brgy. Mayao Castillo Lucena City. Brgy Mayao Castillo Lucena City Prk. Dulong Silangan, Jr. Castillo, Villa Juliana buong pangalan ng aking tinitirahan. Nakatirik ang bahat namin sa lupa ng ina ng aking tatay. Kaya naman bilang bayad ay iniingatan na lamang namin ito. Pinangako ko din sa aking sarili ay dun ako titira hanggang sa magkaroon na ako ng asawa. Ang bahay namin ay binubuo ng salas, dalawang kwarto, kusina, dalawang banyo at terrace.
Sa salas kami nagkwekwentuhan. Sa kusina naman kami madalas nagsasalo-salo. Lima kaming miyembro sa pamilya at lagi kaming kumpleto kapag nakain. May alaga din kaming aso at pusa.
Ako ang nagbigay ng pangalan nila-Moy yung itim namin pusa, Airo naman yung puting pusa at ang nag-iisa naming aso ay Tope. Kapag wala akong magawa ay nilalaro ko sila at pinapakain. Sila din ang nagbabantay sa aming bahay kapag wala kami.
Pero naalala ko ang kinwento sa akin ng aking mama. Sabi niya pamana na daw ng aking lola yung lupa sa aking tatay. Ibig sabihin parang amin na daw ito.
Pero iniisip ko parin na kahit sabi nila na pamana ito ay buhay parin ang aking lola kaya kanila parin ito. Kaya naman lahat ng kung anong meron sa bahay at lupa na yun ay pinapahalagahan namin. Mahilig kasi kaming magpahalaga ng bagay.
Wala kaming inaaksayang bagay pati na rin pera namin. Kami kasi ay may kaya lang at hindi mayaman.
Kaya naman kapag napunta ang mga kaibigan ko sa bahay namin ay pinag-iingat ko sila. Hindi ko naman sila inoofend. Alam nila ang ugali ng aking mga magulangna if ever man na may masira sa amin.
Kahit gaano man kami kaigi sa bahay kabaligtaran naman ito sa kalapit bahay namin. Laging kagulo dito at nagbabangayan. Mapatanda man o mapabata ay naglulokohan.
Yung lokohan na iyon ay nauuw sa awayan. Naalala ko nga noong nag-away iyong Tita ko at kapitbahay namin dahil lamang sa isang aso. Halos magpatayan na sila.
Buti nalang ay napigilan ng ibang nakakatanda ang kanilang pag-aaway. Dinaan nalang nila ito sa Baranggayan. Doon sila nag-usap at naging maayos naman ang lahat sa huli.