Martes, Pebrero 14, 2017

ROAD WIDENING IN SARIAYA QUEZON

ROAD WIDENING IN SARIAYA QUEZON
1.Sa mabilis na takbo ng buhay ay hindi naman nito kasabay ang mabilis na proseso na pag unlad ng ating bansa.
2.Dulot na mabagal na aksyon ng gobyerno, ay nagiging mabagal din ang proseso ng pag angat ng ating bansa.
3.Isa sa mabagal na pagsasagawa ay pagaayos na mga kalsada, hindi matapos tapos na kalsada.
4.Ang pagdadagdag ng kalsada ay mabuti daw ang dulot umano, pero tila kabaligtaran ang nangyayari.
5.Maaaring maganda ang dulot nito kapag ito ay natapos na,ngunit hangga't hindi pa ito natatapos, maraming masamang epekto ang nadadala nito saatin.



6.Marami ang naapektuhan dahil dito. Lalong nagkakaroon ng traffic, dulot ng mga kontraksyon na nakahara sa kalsada 


7.Isang napakalaking abala para sa mga tao ang pagkakaroon ng traffic, lalo na kung may mga importante silang nais puntahan.
8.Ang ilan naman na kalsada ay hindi na lalo natatapos dahil ito ay napapabayaan na. Sa dami ng kalsada na nais nilang palawakin. 
9.Kung matatapos na nila ang kalasada ay maaring mabawasan na ang traffic, pero ang ilan naman ay ginagawa nila itong parking lot. 
10.Sabi ni Alcala, maging mahinahon umano sa traffic sapagkat matatapos na daw ito. Makiisa nalang daw sa paggawa ng mga kalsada, sapagkat isang napakalaking tulong para satin kapag itoy natapos na.
11.Talagang napakabagal ng pagsasagawa ng mga kalsada at ang nararapat nalang natin gawin ay maging mapagpasensya sa mga dulot nitong ROAD WIDENING.



Sabado, Pebrero 11, 2017

  Base nga sa isinaad ni Alejandro G. Abadilla ang sanaysay daw umano ay “Pagsasalaysay ng sanay”.Ito ay nakasulat na karanasan ng isang sanay gamit ang pagsasalaysay.Ang sanaysay ay isang sulatin na hiram.(Facebook: PanitikanSaFilipinoIvViii;September 11,2013) Nilikha ang sanaysay sa kadahilanang para maipahayag ng manunulat ang kanyang nais iparating. Ito din ay naglalaman ng mga pananaw ng isang manunulat o may katha. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain. Ang sanaysay ay nagtataglay ng dalawang uri:Pormal at Impormal na Sanaysay.Kung ipaghahambing ang dalawa ay malaki talaga ang pagkakaiba nito.Ang pormal na ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa sapagkat ito ay nagtataglay ng mahahalaga at seryosong kaisipan kaya naman kinakailangan ng masusing pag aaral upang ito’y lubos na maintindihan.Samantala,ang impormal na sanaysay naman ay naglalaman ng mapang aliw na impormasyon,tumatalakay ito sa mga paksang magagaan,karaniwan,pang araw-araw at maging ang personal kaya naman ito ay madali lamang na maintindihan kumpara sa pormal na sanaysay.Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Ang talambuhay ay isang halimbawa ng sanaysay,sapagkat ito ay isang anyong pampanitikan din katulad ng sanaysay.Ito ay nagsasaad ng kasaysayn ng buhay ng isang tao hango sa kanyang tunay na buhay,pangyayari at impormasyon.Katulad ng isang sanaysay ito ay naglalahad ng saloobin o buhay ng isang manunulat,o buhay ng iba. Ang blogging o blog ay maituturing na isang halimbawa ng sanaysay.Isa itong malikhaing sanaysay sapagkat ang blog ay isang site na naglalaman ng kanyang buhay.Ito ay isang paraan ng manunulat na ipahayag sa pamamagitan ng pagiging malikhain,paglalagay ng sariling opinyon na maiintindihan ng isang mambabasa.Ang isang blog din ay naglalaman ng mga larawan na makakapukaw ng pansin sa tagatingin o mambabasa. Pero bakit nga ba ang malikhaing sanaysay ang kadalasan sinusulat ng manunulat?Ang malikhaing sanaysay ay isang maikli at mabisang paraan upang maipahayag ang sariling opinyon,ang nais talaga nila ipahayag.Dito mas naiintindihan ng mambabasa ang saloobin ng isang manunulat. Ang isang malikhaing sanaysay ay may katangian .Ang malikhaing sanaysay ay katulad ng tubig na naisasalin at nagbibigay hugis sa kanyang kinalalagyan,maluwag at maangkop(flexible).Kailangan din ng pakikibagay at pakikipamuhay sa reyalidad ng sinusulat.Sa kabilang banda bagama’t ito ay malikhaing sanaysay kailangan parin ito ng malinaw na subject.Ito ay isang pagmumuni-muni ng may akda.Nararapat lamang na ang isang sanaysay ay napapanahon.At higit sa lahat pinapahalagahan ditto ang sining sa paggawa o pagsulat nito. Bilang anyong pampanitikan ang sanaysay ay nagsilbing pangkomunikasyon upang maipabatid ng may katha ang kanyang layunin.Ito ay nakatulong upang makapagpabatid ng saloobin sa mga mambabasa na makakatylong upang makilala ng mambabasa ang personalidad ng isang manunulat. Bagamat ito ay may naging ambag nagkaroon parin ng isyu ukol sa pagsasanaysay sa Pilipinas.Ang ilan nga dito ay ang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas,digmaan,pagmamalabis,krisis,pagkuha ng kaban ng bayan,kakulangan ng disiplina ng tao at Corruption.Marami mang isyu ang lumitaw ay patuloy parin ang pagsasanaysay. Ang sanaysay ay mga saloobin na nais iparating ng manunulat sa mambabasa.Tunguhin nito na makilala ng mambabasa ang isang manunulat,gayundin ang pakikipagkomunikasyon sa iba.Ito ang mabisang paraan upang maipahayag ng mananalaysay ang kanyang nais sabihin.Ito ay nagging daluyan ng ideolohiya upang magsilbing gabay sa paghahatid ng impormasyon,ito ay pang-aakit ng isag manunulat na paniwalaan siya ng mambabasa

Mula sa puso

Mula sa puso
Isang napakasarap na cake ang agad na kanyang hinain sa aking harapan at ipinatong sa lamesa,pagkadating dating at pagkaupo upo ko sa bahay nila.Marahil,alam na niya ang aking sadya"Ano?Sisimulan na ba natin?"tanong n'ta agad pagkaupo upo n'ya.Natawa naman ako sa sinabi niya.Pakiramdam ko,excited na s'ya sa aming gagawin.

"Ate bakit po ang pagluluto ng cake nagustuhan mo?"panimula ko naman."I grew up with my mom and my siblings..na mahilig magluto lahat ng pagkain na pwedeng i-experiment,ineexperiment namin.Napakasaya kayang magluto.Sa palagay ko,nakatadhana na talaga sa akin itong propesyon na ito.Nagkaroon kami ng oven sa aming bahay na naging readom ng pagkatuto naming mag-bake,"nakangiting sagot niy sa akin at kumuha s'ya ng cake na inihain n'ya at kinain."E ate ano po ang nais n'yong matutunan na i-bake?"tanong ko upang maipagpatuloy ang kanyang nais ikwentp.Napausip naman siy bigla sa tinanong ko at napakamot bigla sa ulo "Haha Hindi ko alam e!,but I remember the very first cake that we cook ay nakuha namin sa youtube at simula nun nag-experiment na kami ng mga cake na pasok sa panlasa,"aniya nya.Kumuha naman ako ng cake.Napangiti ako sapagkat hindi pa rin nagbabago ang lasa nito,ang pa rin talaga nito."Ate ito po ba ang nagpursue sa inyo para manggawa ng business?" "Oo"maikli sagot n'ya saakin,umalis at nagpaalam sahlir upang kumuha ng aming inumin;habang naglalakad pabalik,pakinig ko ang sinasabu n'ya,"Busuness-minded din kasi ang pamilta jamin kaya naman naisipan namin na magtayo ng pastry shop doon sa may kanto sa labasan,which is ako 'yung namamahala kasi ako 'yung bunso sa aming magkakapatid at 'yung main reason ay may mga trabaho na sila...so dahil nga dun nagsimula na kami nu'n,"pinagpatuloy n'ya pala ang sagot n'ya sa tanong ko.Inabutan n'ya ako ng tubig."Mahirap pamahalaan 'yung shop.First,dapat may pakulo ka o pa-utot sa umpisa para dumami 'yung customers mo.Second,dapat may sapat kang kakayahan para ma-meet 'yung mga needs nila;third,dapat malinis,at maayos mong maibigay sa kanil 'yung mga pagkain na ise-serve mo,"pagdagdag n'ya sa sagot niya."A!galing naman pero,ate,kapag ba binigyn kita ng recipe pero alam mong o mas gusto mo ang recipe mo,how you will handle this?"tanong ko muli sa kanya.Natawa naman siya bigla sa tanong ko"Commonly naman ang isasagot dyan is syempre I will ask you first if okay lang ba sa 'yo na akin na lang na recipe ang gagamirun o kaya naman lulutuin ko parehas and then ipapatikim ko sa iyo kung ano ba ang mas swak sa panlasa mo.At saka kung nagkaton man 'yun,rerespetuhin ko naman 'yung suggestion mo,"sagot nya habang nakangiti."Bait mo naman,ate,siguro sa almost 8 years mo na nagtatrabaho starting in your age of 10 wala ka pang nasisigawan na customers,ano?Halata naman po kasi sa personality mo!"giit ko sa kanya habang nakangiti."Uhm meron na a"napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya"Joke lang,wala pa 'no!Dahil nga bata pa ako rumerespeto naman ako sa nakakatanda sa akin.Lagi o kadalasan naman na bumibili sa akin matatanda e!Nakakatuqa nga mga sinasabi nila sa akin e!"Natawa rin naman ako sa sinabi n'ya at tila namangha sa taglay n'yang kabaitan,"Ano naman pong mga sinasabi nila sa 'yo?","Madami,basta sa kadamihan baka abutin tayo ng bukas,"napatawa nanaman ako sa kanya.Napakahumble talaga n'ya.Madami pa kaming napag-usapan at puro inspiring words ang mga sinasabi n'ya.Nakakatuwa talaga si Ate MJ,s edad n'yang 18 ay open na s'ya sa lahat ng bagay.

Alas-otso na ng gabi nang matapos ang aming pagkwekwentuhan at nagpaalam na ako."Maraming salamat,ate,sa napakasarap mong cake,ikaw magluto ng cake sa kasal ko ha!Haha,"pagbibirong paalam ko sa kanya at isang matinding yakap ang sagot nya sa akin.

Taklub:Pighati,Takot at muling pag-asa

Taklub:Pighati,Takot at muling pag-asa
Dumating ang kanilang kapitana sa kanilang baranggay upang palikasin na ang mga mamamayan na nakatira dito.Sila kasi ay nakatira malapit sa dagat at maaari silang mapahamak dito dulot ng bagyo.Pinapunta sila sa isang evacuation center,upang doon muna manatili pansamantala,upang sa ganoon ay maging ligtas din sila.Kasama ni Bebeth ang kanyang anak na si Angela sa paglikas.
Bilang indie film,hindi ito basta-basta tatangkilikin ng manonood,bagama't ito man ay ganito,umani pa rin ito ng mga parangal at maging ang direktor nito.

"Andyan na ang tsunami,"anang ni Larry."Tara, lumikas na tayo," dugtong nya.Lumikas sila sa kanilang bahay at napunta sila sa bahay ni Bebeth.Sa pagkamatay ng asawa niya,takot na rin siyang mawalan pa ng isa sa mahal niya sa buhay.Kasabay ng pagbagsak ng ulan sa lupa ay pagkawala niya ng pag-asa.Si ginawang film ni Brilliante Mendiza,ipinababatid niya dito na"Hindi lahat ng story ay may Happy Ending,"ang buhay ng tao ay patuloy pa rin at tita walang kabuluhan.

Sa pelikula,tunguhin ng direktor na ipamulat sa atin ang realidad ng buhay.Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masay,may darating talagang pagsubok na dapat nating kaharapin.Hindi ang iba ang tutulong sa atin kundi ang sarili lang natin.Ang realidad ay hindi puro kasiyahan lamang.Ganoon pa man,dapat maging handa tayo sa kung ano mang mangyayari sa ating buhay.

Ang pagdating ng sakuna sa Tacloban ay talagang nagpahirap sa mga mamamayan dito.Nakapanlumo ang mga nangyari sa kanila.Ang ilan ay nawalan ng mga mahal sa buhay.Ang ilan naman at nasira ang mga ari-arian.Katulad ni Renato,na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa pagkasunog ng kanilang tent.Sa amin ay may dumating ding sakuna na nagdulot sa amin nang hindi inaasahan,nasira ang aming mga ari-arian.Ang ilan naman ay nawalan ng mahal sa buhay.

Ipinamulat sa atin ng pelikula ang realidad.Sumasalamin iti sa mga nangyayari sa kasalukuyan o maging sa mangyayari sa hinaharap.Ang mga sakuna o anumang delubto na dumadating ay talagang masama ang naidudulot sa atin.Maaari din itong maging sanhi ng kawalan ng pag-asa.

             Dapat talaga nating tangkilikin ang pelikulang ito sapagkat ito ang makakapamulat sa atin ng katotohanan.Ang mga nangyayari sa paligid at maging mangyayari sa atin sarili at makatutulong ito sa atin.

Arts for Human Rights:Bakal na kamay ng Gobyerno

Arts for Human Rights:Bakal na kamay ng Gobyerno
9:00 ng umaga,ika-10 ng Disyembre sa Event Center ng Pacific Mall at nagsama-sama ang ilang mga pintor,manunulat at ilan dong mga estudyante ng CEFI na nasa strand ng HUMSS,upang gunitain ang Pandaigdigang Deklarasyon bg Paggalang sa Karapatan ng mamamayan.Sinimulan ang programa sa pagpapanuod sa mga estudyante ng video clip na may kinalamab sa karapatang pantao.Sa video clip ipinakita ang hindi pagkakapantay-pantay.

Sa ginampan ng programa,maraming mga imahe;mga imahe na sabi nila iyun daw ang mga imahe ng ilang taong nabiktima ng karahadan sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno noong panahon nila.Kaugnay ng videk na pinanuod,"Talagang napakarahas ng naganap at nangyari noong administrasyon pa ni Marcos ang nakaupo" anita ng isa sa nagpaganap ng programa.Patunay nga dito ang mga napaslang noon.

Matapos ang pagpapanuod ay pansamantalang pinatigil ng mg tagapaganao ang prograna upang kumain muna ang mga estudyante at sila.Ang ilan naman,bago kumain,ay kumuha muna ng litrato sa mga inaheng nakapaskil sa dingding.Ala-una na ng hapon ng makabalik ang lahat ng estudyante at tagapagpaganap sa Event Center.

Sinimulan na ulit nila ang pagpapanuod ng pelikulang "Mga Kwentong Barbero"sa mga estudyante,sa na namang video na may kinalaman sa kalupitan at karapatan ng tao.Sa video,gumaganap si Eugene Domingo bilang asawa ng manggugupur.Ang ilang mga tauhan sa kwento ay laban sa gobyerno.Sa karahasan ng gobyerno,sa kalupitan na ginagawa nila sa mga walang kamuwang-muwang na mamamayan na ipinaglalaban lang naman ang kanilang karapatan.

Doon pa lamang sa video ay masasabi ko na ang grupo ay nagsusulong ng lehitimong interes at karapatan ng sambayanang Pilipino.Matapos ang video,isa-isa silang nagbigay ng kanikanilang mungkahi ukol sa Karapatang Pantao.Katulad nga ng iniisip ko,isinaad ng isa sa kanila ang kanilang layunin:"Ang magsulong ng lehitimong interes at karapatang pangsambayanan",isinaad din ng iba ang mga nangyari o naganap sa panahon niarcos.Ipinaliwanaf nula ang pagmamalupit at paajo nga ba ito nangyari.

Sa isa kanila,si Joel Boncay ay idinaan sa pagrarap ang nais niyang sabihin at ipahayag ukol sa tema.Bawat salita,bawat himig ng kaniyang inaawit ay may kaugnayan at maraming nais iparating.Dinadaan n'ya raw dito ang nais niyang ipahayag,ukol sa kanya,sa aming pag iintirview.Ang sumunod naman na tinawag ay si Aaron,isang miyembo ng EU Bahaghari ng LGBT,nagsusulong umano daw sila ng karapatan at pagkakapantay-pantay ng mga tao,maging ano mang ang kasarian nito,saad niya nang sita ay nagmungkahi sa unahan.

Hinikayat nila kami na sumali sa rally ngunit sa kadahilanang hindi kami nakapagpaalam na gagabihin ay hindi kami nakapasa at pinayagn naman nil kami.Tinapos nila ang programa at nagbigay ng magandang aral sa aming lahat.