Sabado, Pebrero 11, 2017

  Base nga sa isinaad ni Alejandro G. Abadilla ang sanaysay daw umano ay “Pagsasalaysay ng sanay”.Ito ay nakasulat na karanasan ng isang sanay gamit ang pagsasalaysay.Ang sanaysay ay isang sulatin na hiram.(Facebook: PanitikanSaFilipinoIvViii;September 11,2013) Nilikha ang sanaysay sa kadahilanang para maipahayag ng manunulat ang kanyang nais iparating. Ito din ay naglalaman ng mga pananaw ng isang manunulat o may katha. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain. Ang sanaysay ay nagtataglay ng dalawang uri:Pormal at Impormal na Sanaysay.Kung ipaghahambing ang dalawa ay malaki talaga ang pagkakaiba nito.Ang pormal na ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa sapagkat ito ay nagtataglay ng mahahalaga at seryosong kaisipan kaya naman kinakailangan ng masusing pag aaral upang ito’y lubos na maintindihan.Samantala,ang impormal na sanaysay naman ay naglalaman ng mapang aliw na impormasyon,tumatalakay ito sa mga paksang magagaan,karaniwan,pang araw-araw at maging ang personal kaya naman ito ay madali lamang na maintindihan kumpara sa pormal na sanaysay.Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Ang talambuhay ay isang halimbawa ng sanaysay,sapagkat ito ay isang anyong pampanitikan din katulad ng sanaysay.Ito ay nagsasaad ng kasaysayn ng buhay ng isang tao hango sa kanyang tunay na buhay,pangyayari at impormasyon.Katulad ng isang sanaysay ito ay naglalahad ng saloobin o buhay ng isang manunulat,o buhay ng iba. Ang blogging o blog ay maituturing na isang halimbawa ng sanaysay.Isa itong malikhaing sanaysay sapagkat ang blog ay isang site na naglalaman ng kanyang buhay.Ito ay isang paraan ng manunulat na ipahayag sa pamamagitan ng pagiging malikhain,paglalagay ng sariling opinyon na maiintindihan ng isang mambabasa.Ang isang blog din ay naglalaman ng mga larawan na makakapukaw ng pansin sa tagatingin o mambabasa. Pero bakit nga ba ang malikhaing sanaysay ang kadalasan sinusulat ng manunulat?Ang malikhaing sanaysay ay isang maikli at mabisang paraan upang maipahayag ang sariling opinyon,ang nais talaga nila ipahayag.Dito mas naiintindihan ng mambabasa ang saloobin ng isang manunulat. Ang isang malikhaing sanaysay ay may katangian .Ang malikhaing sanaysay ay katulad ng tubig na naisasalin at nagbibigay hugis sa kanyang kinalalagyan,maluwag at maangkop(flexible).Kailangan din ng pakikibagay at pakikipamuhay sa reyalidad ng sinusulat.Sa kabilang banda bagama’t ito ay malikhaing sanaysay kailangan parin ito ng malinaw na subject.Ito ay isang pagmumuni-muni ng may akda.Nararapat lamang na ang isang sanaysay ay napapanahon.At higit sa lahat pinapahalagahan ditto ang sining sa paggawa o pagsulat nito. Bilang anyong pampanitikan ang sanaysay ay nagsilbing pangkomunikasyon upang maipabatid ng may katha ang kanyang layunin.Ito ay nakatulong upang makapagpabatid ng saloobin sa mga mambabasa na makakatylong upang makilala ng mambabasa ang personalidad ng isang manunulat. Bagamat ito ay may naging ambag nagkaroon parin ng isyu ukol sa pagsasanaysay sa Pilipinas.Ang ilan nga dito ay ang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas,digmaan,pagmamalabis,krisis,pagkuha ng kaban ng bayan,kakulangan ng disiplina ng tao at Corruption.Marami mang isyu ang lumitaw ay patuloy parin ang pagsasanaysay. Ang sanaysay ay mga saloobin na nais iparating ng manunulat sa mambabasa.Tunguhin nito na makilala ng mambabasa ang isang manunulat,gayundin ang pakikipagkomunikasyon sa iba.Ito ang mabisang paraan upang maipahayag ng mananalaysay ang kanyang nais sabihin.Ito ay nagging daluyan ng ideolohiya upang magsilbing gabay sa paghahatid ng impormasyon,ito ay pang-aakit ng isag manunulat na paniwalaan siya ng mambabasa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento