Sabado, Pebrero 11, 2017

Taklub:Pighati,Takot at muling pag-asa

Taklub:Pighati,Takot at muling pag-asa
Dumating ang kanilang kapitana sa kanilang baranggay upang palikasin na ang mga mamamayan na nakatira dito.Sila kasi ay nakatira malapit sa dagat at maaari silang mapahamak dito dulot ng bagyo.Pinapunta sila sa isang evacuation center,upang doon muna manatili pansamantala,upang sa ganoon ay maging ligtas din sila.Kasama ni Bebeth ang kanyang anak na si Angela sa paglikas.
Bilang indie film,hindi ito basta-basta tatangkilikin ng manonood,bagama't ito man ay ganito,umani pa rin ito ng mga parangal at maging ang direktor nito.

"Andyan na ang tsunami,"anang ni Larry."Tara, lumikas na tayo," dugtong nya.Lumikas sila sa kanilang bahay at napunta sila sa bahay ni Bebeth.Sa pagkamatay ng asawa niya,takot na rin siyang mawalan pa ng isa sa mahal niya sa buhay.Kasabay ng pagbagsak ng ulan sa lupa ay pagkawala niya ng pag-asa.Si ginawang film ni Brilliante Mendiza,ipinababatid niya dito na"Hindi lahat ng story ay may Happy Ending,"ang buhay ng tao ay patuloy pa rin at tita walang kabuluhan.

Sa pelikula,tunguhin ng direktor na ipamulat sa atin ang realidad ng buhay.Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masay,may darating talagang pagsubok na dapat nating kaharapin.Hindi ang iba ang tutulong sa atin kundi ang sarili lang natin.Ang realidad ay hindi puro kasiyahan lamang.Ganoon pa man,dapat maging handa tayo sa kung ano mang mangyayari sa ating buhay.

Ang pagdating ng sakuna sa Tacloban ay talagang nagpahirap sa mga mamamayan dito.Nakapanlumo ang mga nangyari sa kanila.Ang ilan ay nawalan ng mga mahal sa buhay.Ang ilan naman at nasira ang mga ari-arian.Katulad ni Renato,na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa pagkasunog ng kanilang tent.Sa amin ay may dumating ding sakuna na nagdulot sa amin nang hindi inaasahan,nasira ang aming mga ari-arian.Ang ilan naman ay nawalan ng mahal sa buhay.

Ipinamulat sa atin ng pelikula ang realidad.Sumasalamin iti sa mga nangyayari sa kasalukuyan o maging sa mangyayari sa hinaharap.Ang mga sakuna o anumang delubto na dumadating ay talagang masama ang naidudulot sa atin.Maaari din itong maging sanhi ng kawalan ng pag-asa.

             Dapat talaga nating tangkilikin ang pelikulang ito sapagkat ito ang makakapamulat sa atin ng katotohanan.Ang mga nangyayari sa paligid at maging mangyayari sa atin sarili at makatutulong ito sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento